Sunday, March 25, 2007

Nasa ulap ang utak ko...

ginagawa ko nanaman ang paborito kong gawain.

Tumulala at mag-isip ng malalim.

Ewan ko ba, pakiramdam ko, masyado akong seryosos, nowadays. Parang
palagi na lang ako tumutulala, parang ang boring ko palagi. Wala akong
ginawa kundi tumulala atsaka ako mag-iisip ng kung anu-ano. Pag sawa na
kong tumulala, makikisabay ulit ako sa agos ng mundo. Kamusta naman yun?I'm becoming a wind. No body sees me but everybody knows that I am
present. Hindi ko mapigilan ang paglipad ng utak ko. At sasabog ako kapag
hindi ko nailabas yung mga pinagiisip ko. Baka maging destructive ako by the
time na mailabas ko yung mga nasa utak ko. Baka kasi masyado ng huli ang
lahat kapag nangyari yun. Ano kayang gagawin ko?

Feeling ko, nag-uumpisa na naman akong mag-evolve at lumilikha na naman
ako ng bagong "kristine". Nag-simula lang 'to nung ma-involve ako kay
"red-planet". Feeling ko, dun nag-umpisa lahat ng changes sakin. Simula kasi
nun, naging moody ako, naging bugnutin. One minute, masaya, tapos
mayamaya, mag-kaaway na tayo. Naging masungit at matampuhin ako.
Madali akong naiirita. Pero madali din ako ngumiti. Naging pushy din ako
masyado. Tapos, nung nawala na si "red-planet" sa solar system ko, nag bago
nanaman ako. Ayun nga, tumutulala na lang ako palagi, tapos maraming
iniisip. Naging bitter naman ang paningin ko sa lahat ng bagay. Kapag
sumasaya ako...minsan, sa sarili ko na lang. Ayoko na minsan i-share pa sa iba
yung true joy na nararamdaman ko minsan kasi kung anu-ano iniisip ko.
Iniisip ko na baka di naman nila ma-appreciate or isipin nilang mababaw lang
yun. Pakiramdam ko, walang sumiseryoso sakin....

Marami akong nararamdaman pero parang hindi na ako marunong
mag-express ng feelings ko ngayon. Natatakot ako sa lahat ng gagawin kong
steps kasi iniisip kong baka mag-kamali na naman ako. Lalo na sa mga
feelings na gusto kong sabihin sa isang tao. Natatakot ako na baka kapag
maging okay kami, mauwi lang ulit sa wala ang lahat katulad ng dati.
Natatakot ako kasi baka magkatotoo yung sinabi ni "red-planet" na wala ng
mag-mamahal sakin kasi saming dalawa, siya ang nasaktan pero siya ang
pinaka nagmahal samin. Natatakot ako. Takot na takot ako.

Marami akong gustong sabihin. Marami akong iniisip pero ayokong sabihin
kasi pakiramdam ko, kapag ginawa ko yun, magiging asungot ako sa isang
nag-bubloom na love life. Ayoko siyang pag-sabihan kasi baka isipin niya,
kaya ko sinasabi yun kasi may gusto pa rin ako dun sa lalaki at ayokong
mapunta sakanya. Pero ayoko rin siyang masaktan kasi alam ko na yung mga
pwedeng mangyari sakanilang dalawa, in the end.

Pakiramdam ko nagiging manhid na ko. Ayoko maging manhid. Lalong ayoko matakot forever.

Ayoko sumabog.

Ayoko na tumulala at mag-isip ng malalim.....

1 comment:

--ila..jeanne-- said...

ganyan lng tlga xine..pro you'll make it through hindi ka manhid at hindi msama ang tumulala at itago mo sa srili mo mnsan yung nraramdaman m...you just nid space to think about things bothering you, u just have to trust yourself with this one..have faith in God and believe you could surpass this and find the answers to your questions...after that you'll find happiness coz "The art of being happy lies in the power of finding happiness in ordinary things".stay cool and have faith...godbless..